Passing by Horatio De La Costa Hall brings memories. If I can encounter my past self I think this would be the dialogue:
Past me: Shet, bagsak ako sa oral exam. Pati mga quizzes ko at 2 long tests. Bwisit, mabubuhay pa ba ako...(seeing a taller and muscular-built person). Sino ka? Bat parang kilala kita?!
Future me: Oh hi, I'm you 6 years from now. Guessing from your look; I think you just received your pre-final standing under Fr. Dacanay's class. F+ right?
Past me: What?! Pati paper namin bagsak?! Wala na, dishonor to the family name! Lecheng Theology oh!!
Future me: Ay...sorry; masyadong maaga. Anyway maniwala ka; mas marami ka pang mumurahing subject in the future.
Past me: Like?
Future me: Neurology, Pharmacology, Physiology, Obstetrics and Clinical Pathology.
Past me: Hah? Wala yan sa curriculum ko ah. What are you talking about?
Future me: Oh right...ayaw mo pala mag-Medicine at this point in time
Past me: Huwat?! Di ba mag-mamasteral ako sa Biology? Di ba dahil sa tamad ako at medyo bobo kaya di ako papasok ng medical school?
Future me: (chuckles). Well, hindi ka naman bobo eh; tamad lang. At ayaw sa hirap. Sabihin na lang natin makakayanan mo ang intensity ng medical school at maraming mangyayari sa iyo 6 years from now.
Past me: Talaga? At bakit ako papasok ng medical school, baba kaya ng grades ko at parang hindi naiisip na maging doktor.
Future me: Sabihin na lang natin kapag last semester mo na...mababaliw ka sa Rizal Library. Ma-rerealize mo rin na ayaw mo sa hayop, halaman at mikrobyo. Gusto mo sa tao.
Past me: RIIGHT...sige sabi mo eh
Future me: Anyway, don't sell your self short. Magugulat ka na lang na kapag nandito ka na sa puntong ito; gusto mo pala magbasa ng maraming impormasyon.
Past me: Eh paano yan, wala akong Biochemistry...di na ako pwede sa ASMPH
Future me: (laughs) Hahahaha...basta there is a medical school for you and in your 2nd year bibigyan ka ng 75% scholarship
Past me: What? Me, a scholar?!
Future me: Ooops I've said too much. Well, let's just say I'm finding it difficult to maintain that scholarship. Anyway, you'll survive Fr. Dacanay's class and you'll even thank him in the future for pushing you and making you read non-sensical texts. At least in medical school; straight to the point na ang mga babasahin mo. Sige...
Past me: Last question, anong klase akong doktor?
Future me: Nako, kahit ako sinasagot ko pa rin yan ngayon. Sige, may exam pa ako.
No comments:
Post a Comment